Nasa 270 rehistradong magsasaka ng palay sa Bayan ng Paracelis, Mountain Province ang tumanggap kahapon, January 17, 2024 ng abono mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) program ng Department of Agriculture (DA).
Kaugnay nito, inihayag ni Paracelis LGU Information Officer Enoch Ganggangan ang mensahe ni Mayor Marcos Ayangwa hinggil sa patuloy na pagsuporta sa mga program na tutulong sa sektor ng pagsasaka.
Ayon sa Paracelis LGU, ang pamamahagi ng abono para sa mga benepisyaryo ay malaking tulong upang mapaganda ang ani at pagsusustine ng lokal na sektor ng palay sa bayan.
Ang RCEF program ng DA ay sumusuporta sa mga pangangailangan ng mga magsasaka gaya ng abono, certified rice seeds at iba pa upang mapaganda ang kanilang kabuhayan at seguridad sa pagkain. | ulat ni Dona Kawis-Balio-RP Bontoc
Photo: LGU- OFAS of Paracelis