Boluntaryong sumuko sa mga tropa ng 3rd Special Forces “Arrowhead” Battalion, ng 401st Infantry “Unite N’ Fight” Brigade ang 3 regular na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Brgy St Christine, Lianga, Surigao del Sur.
Kinilala ng militar ang mga sumuko na sina: Alberto Perez Pañabe alyas Jong, Brian Ruadil Bulagao alyas Dave, at Junmar Alameda Rivas alyas Cardo.
Ang 3 ay pawang mga miyembro ng Sub-Regional Committee Southland ng North Eastern Mindanao Regional Committee (SRC SL, NEMRC), na nag-ooperate sa kabundukan ng Prosperidad, Agusan del Sur, at Lianga, Surigao del Sur.
Kasabay nilang isinuko ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng: isang M16 rifle na may M203 grenade launcher, isang Elisco M16 rifle, at isang AK47 rifle, kasama ang mga magasin at bala.
Kasalukuyang pinoproseso ang mga dokumento ng 3 para makatanggap ng mga benepisyo mula sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of 401IB