Sugatan ang tatlong indibdiwal sa sunog na sumiklab sa isang furniture warehouse sa Brgy. Balong Bato, Quirino Highway, Quezon City kaninang madaling araw.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), kinilala ang mga biktima na sina Jericho Sales, 21y/o; Rodito Merondillo, 26y/o na kapwa nagtamo ng 2nd degree burn; at Michael Fajardo, 37y/o na may multiple burn.
Nagsimula bandang 3:46 kaninang madaling araw ang sunog na mabilis na umakyat sa ikalawang alarma.
Tumagal pa ng ilang oras bago naideklarang fire out ang sunog kaninang alas-7:20 ng umaga.
Naging pahirapan ang pag-apula sa sunog dahil itinuturing na highly combustible ang mga materyales sa pagawaan ng muwebles.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng BFP sa sanhi ng sunog maging sa halaga ng pinsala. | ulat ni Merry Ann Bastasa