Nasa 32 coffee cooperators mula sa Lalawigan ng Kalinga ang nakatanggap ng coffee farm tools at equipment assistance, ngayong araw (Enero 18, 2024) sa Office of the Provincial Agriculturist compound.
Ito ay bahagi ng Provincial Coffee Development Program kung saan layunin nitong palakasin ang industriya ng kape at pataasin ang produksyon nito.
Nasa P3 milyong ang inilaang pondo para sa proyektong ito para sa rejuvenation ng coffee production sa lalawigan.
Ang turn-over at MOA signing nito ay pinangunahan nina Kalinga Governor James Edduba at Provincial Agriculturist Engr. Domingo Bakilan.
Samantala, inihayag ni Gov. Edduba na sya ay maglalaan ng karagdagang pondo sa susunod na taon kung makikita ang magandang resulta sa mga coffee demonstration farm. | ulat ni Amelia Domingo Bumatnong | RP Tabuk