Nananatiling positibo sa “red tide toxin” ang apat na baybayin sa bansa.
Sa inilabas na advisory ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), umiiral pa rin ang “shellfish ban” sa baybayin ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Lianga Bay sa Surigao del Sur; at coastal waters ng San Benito sa Surigao del Norte.
Dahil sa nadiskubreng Paralytic Shellfish Poison (PSP) ay pinag-iingat ng BFAR ang publiko sa pagkain ng shellfish na nakukuha sa mga naturang katubigan, dahil mapanganib ito sa kalusugan.
Ligtas namang kumain ng mga isda, pusit, hipon, at alimangong huli o nagmula sa nasabing karagatan, basta mahugasan at maluluto itong mabuti. | ulat ni Merry Ann Bastasa