Nagtagumpay ang 4th Infantry Division sa kampanya laban sa NPA sa Northern Mindanao at Caraga Region sa pagtatapos ng 2023.
Ito ang idineklara ni 4ID Commander Major General Jose Maria R. Cuerpo II, kasabay ng pagsabi na nakamit nila ang “milestone” na ito sa pamamagitan ng intensified combat at non-combat operations na humantong sa 101 engkwentro mula Enero 1 hanggang Disyembre 31.
Nagresulta ito sa pagkasawi ng 43 teroristang komunista, pagkahuli ng isa, pagka-aresto ng 5, pagsuko ng 174, at pagkakarekober ng 209 armas ng kalaban.
Ayon kay MGen. Cuerpo, naging susi ng kanilang tagumpay ang nutralisasyon ng top leadership ng NPA sa rehiyon, kabilang ang Secretary ng North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC) na si Dionisio “Muling” Micabalo, mga high-value personality at mga finance officer ng NPA.
Dahil dito, nagpahayag ng determinasyon si MGen. Cuerpo na tuluyan nang wakasan ang NPA sa kanilang area of responsibility sa taong kasalukuyan. | ulat ni Leo Sarne