Lumagda ng kasunduan ang 15 na ahensya ng gobyerno sa Bicol para sa inter-agency convergence ng pagsasakatuparan ng mga pang sosyo-ekonomikong programa at proyekto na isinusulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Layunin ng nasabing pagkakaisa ang pagpapahusay ng produksyon sa agrikultura, pagtiyak ng seguridad sa pagkain at pagbabawas ng mga imported na produkto upang mapalago ang kita ng mga magsasaka sa rehiyon.
Pinangunahan ng National Irrigation Administration Bicol ang ceremonial signing katuwang ang Confederation of Irrigators’ Association.
Dumalo ang mga kinatawan at pangunahing opisyal mula sa ahensya ng gobyerno sa seremonya tulad ng Department of Agriculture-Region V (DA), Department of Science and Technology (DOST), Department of Trade and Industry (DTI), Philippine Crop Insurance Corporation-Region V (PCIC ), Philippine Rice Research Institute (PhilRice), Department of Labor and Employment (DOLE), Landbank of the Philippines (LandBank), National Food Authority (NFA), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Social Welfare and Development -Region V (DSWD), Technical Education and Skills Development Authority-Region V (TESDA), Agricultural Training Institute-Regional Training Center (ATI), Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech), at Center for Development Authority (CDA).
Binigyan ng pagkakataon ang bawat ahensya na magbigay ng maikling talumpati kaugnay sa mga programa at serbisyong maibibigay nila sa mga magsasaka.
Nangako ang mga ahensya na magtutulungan sa pagpapabuti ng kapakanan ng mga marginalized na magsasaka. | ulat ni Garry Carl Carillo | RP1 Albay