Muling nagpaalala ang Special Action and Intelligence Committee for Transportation o SAICT sa mga motorista na iwasan ang pagdaan sa bike lane.
Ito’y kasunod ng ikinasang operasyon ng SAICT sa kahabaan ng EDSA Santolan kahapon.
Sa katunayan, isang Pulis na mula sa Kampo Crame ang sinita at nakipagtalo pa sa mga humuli sa kaniya ngunit kalauna’y natiketitan din.
Paalala ng SAICT, maituturing na disregarding traffic sign ang pagdaan sa bike lane na may katapat na multa na hindi bababa sa 1 libong piso. | ulat ni Jaymark Dagala