Pormal na binawi ng 54 na miyembro ng Alyansa ng Magbubukid sa Gitnang Luzon (AMGL) ang kanilang suporta sa kilusang komunista, sa isang seremonya sa Barangay Balete, Tarlac City kahapon.
Ang seremonya ay pinangasiwaan at sinaksihan ng Philippine Army 3rd Mechanized Infantry Battalion at 702nd Brigade, kasama ang Philippine National Police –Tarlac at iba pang mga ahensyang kabilang sa Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC).
Dito’y lumagda sa Peace Covenant ang mga dating miymebro ng AMGL, sinunog ang bandila ng CPP-NPA, at nanumpa ng katapatan sa pamahalaan.
Sa kanilang pagtiwalag sa maka-komunistang AMGL, ang 54 na magsasaka ay sasali sa Malayang Magbubukid ng Hacienda Luisita (MALAYA), ang organisasyon at kooperatiba ng mga dating kasapi at supporter ng CPP-NPA. | ulat ni Leo Sarne
📷Courtesy of 1st CIVIL RELATIONS GROUP, CRSAFP