Aabot sa 54 na mga residente sa Quezon City ang nakatanggap ng titulo ng kani-kanilang lote mula sa mga programang palupa ng pamahalaang lungsod.
Personal na iniabot ni QC Mayor Joy Belmonte ang titulo ng lupa sa mga residente bilang mandato na mabigyan ng kasiguraduhan ng pabahay sa lungsod.
Ang inisiyatibo ay bahagi ng programang ‘Direct Sale’ sa ilalim ng Socialized Housing Projects ng Quezon City na naglalayong mabigyan ng maayos at abot-kayang pabahay ang mga nangangailangan.
Kabilang sa mga nakinabang rito ang mga residente mula sa Barangay Bagong Silangan (Proper), Brgy. Bagong Silangan (Covenant); Brgy. Escopa III, Brgy. Bagumbuhay, Brgy. Quirino 2-B; Brgy. Sta. Lucia, Brgy. Kaligayahan (Tawid Sapa II-Phase I), Brgy. Kaligayahan (Tawid Sapa II-Phase II), Brgy. Kaligayahan (Tawid Sapa II-Phase III), Brgy. Fairview (Sitio Ruby), Brgy. Sto. Niño, Brgy. Kaligayahan (Old Camarin), Brgy. Novaliches Proper (Fantasy HOA), Brgy. Kaligayahan (Quezon City Housing No. 2); Brgy. Baesa (Asamba), Brgy. Baesa (Sitio Pajo).
Sa pamamagitan ng programang ‘Direct Sale’, nagkaroon ng pagkakataong maging lehitimong may-ari ang mga residenteng matagal nang naninirahan sa mga lote sa kondisyong mabayaran ang halaga o katumbas na presyo ng lupa alinsunod sa terms of payment ng lungsod. | ulat ni Merry Ann Bastasa