Nasa 60% o 921 mula sa kabuuang 1,634 na lungsod at munisipalidad sa bansa ang gumagamit na ngayon ng electronic system sa pagproseso ng business permits at licenses.
Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, na ang digitalization ng LGU frontline services ay nakatulong sa pagtaas ng revenue collection sa P288 billion mula sa P50 billion noong 2018.
Sabi ng kalihim sa 921 LGUs, 799 ang gumagamit ng Electronic Local Government Unit o ang eLGU system habang 122 localities ang may sariling innovative system.
Ang eLGU platform ay kabilang sa vital components ng Gov.PH Super App na binuo ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Ito ay isang mobile application na nagsasama ng mga serbisyo ng multi-sectoral government services sa iisang platform.
Sumasaklaw ito sa malawak na hanay ng mga function tulad ng business permit licensing, community tax, local civil registry, at marami pang iba. | ulat ni Rey Ferrer