609 mangingisda na apektado ng shear line sa Camarines Sur, tinulungan ng DSWD Bicol

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa mahigit 609 mangingisda mula sa Sipocot, Camarines Sur na apektado ng patuloy na nararanasang shear line sa buong rehiyong Bicol ang naabutan ng tulong ng Department of Social Welfare and Development.

Nag-abot ng family food packs ang DSWD Bicol sa mga residente ng Barangay Anib, Salvacion at San Vicente sa bayan ng Sipocot, Camarines Sur.

Ayon sa DSWD Bicol, ilang linggo ng hindi nakakapang-hanapbuhay ang mga residente dahil sa patuloy na nararanasang sama ng panahon.  Naapektuhan ang pamumuhay ng mga residente dahil sa patuloy na maalon na kondisyon ng karagatan, malakas na hangin, at malakas na pag-ulan nitong nakaraang linggo.

Katuwang ang Disaster Response Management Division, bayanihan sa pag-papaabot ng relief assistance ang DSWD Bicol sa mga lugar na apektado ng tuloy-tuloy na pag-ulan at sama ng panahon.

Gayundin, may 21 volunteers mula sa Philippine National Police Regional Mobile Force Battalion 5 at Philippine Air Force – Tactical Operations Group 5 (TOG 5) ang tumulong sa pagre-repack ng mga ipinapamahaging food packs.

Nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa iba pang LGU sa rehiyon upang matukoy ang ilan pang apektado pamilya at para maabutan ng agarang tulong.

Siniguro naman ng DSWD Bicol na may sapat na stock ng family food pack ang kanilang ahensya para sa mga bicolanong apektado ng shearline at iba pang kalamidad sa rehiyon. | ulat ni Garry Carl Carillo | RP1 Albay

Photos DSWD Bicol

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us