Pito ang iniulat na nasawi dahil sa malakas na pag-ulan na dulot ng shear line sa CARAGA at Davao Region.
Sa huling datos na inilabas ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), ang nasabing pito na nasawing indibidwal ay isinasailalim pa sa balidasyon kasama ang inulat na dalawang sugatan.
Sa ngayon, umakyat na sa 70,862 pamilya o katumbas ng 270,206 katao ang apektado ng sama ng panahon.
Sa nasabing bilang, 4,217 pamilya o halos 15,000 indibidwal ang nasa evacuation centers habang ang nasa halos 22,000 indibidwal ay mas piniling makituloy pansamantala sa kanilang mga kamag-anak o manatili na lang sa kanilang mga tahanan.
Nakapagbigay naman ang pamahalaan ng halos P6.5 milyong halaga ng tulong sa mga apektado. | ulat ni Leo Sarne