Umabot sa 72 na mga indibidwal na suspek sa iba’t ibang krimen ang nahuli ng Police Regional Office-10 (PRO-10) sa kanilang 3 araw na Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) na kanilang ginawa noong Enero 26-28, 2024.
Ang PRO-10 ay nagsagawa ng implementasyon ng 4 na Search Warrant ng R.A. 10591 na nagresulta sa pagkahuli ng 3 suspek at nakakumpiska sila ng 6 na mga baril.
Samantala, 12 Search Warrant R.A. 9165 ang kanilang pinatupad na nagresulta sa pagkahuli ng 11 na mga suspek at umabot aa 40.656 gramo na shabu ang kanilang nakumpiska na nagkakahalaga ng mahigit-kumulang P276,460.00.
Sa kampanya sa iligal na droga, ang PR0-10 ay nagsagawa ng 38 na buy-bust operations na nag resulta sa pagkahuli ng 40 mga suspek at nasa 51.910 na gramo ng shabu ang kanilang nakumpiska na nagkakahalaga ng P352,988.00.
Nagsagawa rin ang PRO-10 ng 9 na operasyon laban sa iligal na droga na nag resulta sa pagkahuli ng 12 na mga suspek at sa kanilang Bakal Sita, Police Response at Checkpoint, nasa 5 suspek naman ang nahuli at nakakumpiska sila ng 11 mga baril.
Ayon kay PBGen. Ricardo G. Layug Jr., Regional Director ng PRO-10, ang kanilang operasyon ay nakabatay sa kanilang programa na “Serbisyong Cardo, Serbisyong may Puso” na ang layunin na maging drug-free, maunlad at tahimik ang Northern Mindanao.| ulat ni Cocoy Medina| RP1 Cagayan de Oro