Pinayagan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang siyam na produkto na magtaas ng kanilang suggested retail price (SRP) sa kanilang produkto sa mga susunod na araw.
Ayon kay DTI Assistant Secretary Amanda Nograles, aabot sa P1.50 hanggang P6 ang taas sa mga produkto ng sardinas, powdered milk, at toilet soap.
Dagdag pa ni Nograles, na ang inaprubahang taas noong nakaraang January 17 ay inaasahang mararamdaman na sa mga suusnod na araw.
Ang pag-apruba sa naturang price increase ay dumaan sa masusing pag-aaral ng ng DTI at konsultasyon sa stakeholders. | ulat ni AJ Ignacio