Nais ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo na alisin na ang senior citizen booklet bilang requirement para makakuha ng diskwento ang mga senior citizens sa kanilang mga binibili.
Sa gitna ito ng imbestigasyon ng Kamara hinggil sa tamang pagpapatupad ng discount privileges ng mga senior citizen, persons with disabilities (PWD), at iba pang vulnerable sector.
Ayon kay Tulfo, tila insulto ito sa mga lolo at lola.
Para kasi aniyang tinitingnan kasi ng mga establishimento na mga manloloko ang mga senior citizen kaya hinahanapan nito.
Dagdag pa ng mambabatas na pahirap lang ito sa mga nakatatanda at sapat nang ipakita ang senior citizens ID bilang patunay na sila ay senior na.
Suportado naman ng iba pang kongresista ang panawagan ni Tulfo. | ulat ni Kathleen Jean Forbes