Humarap kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. kasama ang mga Major Service Commander para sa tradisyonal na New Year’s Call sa Malacañang.
Malugod na tinanggap ng Pangulo si General Brawner at sina: Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Roy Galido; Philippine Air Force Commanding General Lt. Gen. Stephen Parreño; at Philippine Navy Flag-Officer in Command Vice-Admiral Toribio Adaci Jr.
Sa mensahe ng Pangulo, kanyang tiniyak ang kanyang buong suporta sa kapakanan ng mga sundalo at kanilang mga pamilya.
Sinabi ng Pangulo na inaprubahan niya ang spesipikong budget para sa rice subsidy at tertiary healthcare services sa AFP Medical Center para sa mga sundalo.
Siniguro din ng Pangulo ang kanyang commitment sa modernisasyon ng AFP tungo sa pagiging isang “World Class Armed Force” pagsapit ng 2028. | ulat ni Leo Sarne
📸: PFC Carmelotes/PAOAFP