AFP Chief of Staff Challenge Shooting Competition, inilunsad sa Fort del Pilar, Baguio

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief General Romeo Brawner Jr. ang pagbubukas ng AFP Chief of Staff Challenge Shooting Competition sa Forth Del Pilar, Baguio City kahapon.

Kasama ni Gen. Brawner sa Opening Ceremony at Ceremonial Shoot si Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General Secretary Teng Mangudadatu, na naging panauhing pandangal at pangunahing tagapagsalita.

Ang limang araw na kompetisyon na tatagal hanggang January 28 ay sanctioned ng Philippine Shooters and Match Officers Confederation.

Ang dalawang event ng kompetisyon ay binubuo ng AFP Match para active military personnel na mula kahapon hanggang ngayong araw, at ang Main Match na bukas sa militar at sibilyang shooter mula January 26 hanggang 28.

Ang aktibidad ay para sa benepisyo ng mga sugatan at may sakit na sundalo sa AFP Health Service Command; pangsuporta sa scholarship ng military orphans, at pagsasaayos ng Philippine Military Academy (PMA) Firing Range.  | ulat ni Leo Sarne

📸: PFC Carmelotes/PAOAFP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us