Tiniyak ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. na nakatutok ang Sandatahang Lakas kasama ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa kaligtasan at seguridad ng milyon milyong deboto na dadalo sa Traslacion.
Ang pagtiyak ay ginawa ng AFP Chief sa kanyang mensahe sa bisperas ng pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno.
Sinabi ni Gen. Brawner na “kikilos ang AFP para maging mapayapa at maayos ang natatanging pagdiriwang ng sakrispisyo at pag-aalay ng buhay ni Hesus.”
Kasabay nito, nanawagan ang Heneral sa aktibong pakikiisa ng mga namamanata na umiwas sa kaguluhan habang ang lahat ay taimtim na nagdarasal.
Umaasa naman si Gen. Brawner, na “magiging bukal ng inspirasyon ang okasyon na ito para sa lahat na magsilbi at manindigan para sa pagkakaisa ng bansa.” | ulat ni Leo Sarne