AFP, handang tumulong sa pagtugon ng Japan Self-Defense Forces sa nangyaring malakas na lindol

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang kahandaan na tumulong sa Japan Self-Defense Forces (JSDF) sa Humantarian and Disaster Response (HADR) operations kung kakailanganin.

Ang pahayag ay ginawa ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., kasunod ng pagtama ng Magnitude 7.6 na lindol sa naturang bansa kahapon.

Ayon kay Gen. Brawner, mahalaga ang international cooperation sa panahon ng krisis, kung kaya’t nakaantabay sila sa anumang pangangailangan ng Japan.

Committed aniya ang AFP na mapatatag pa ang ugnayan ng Pilipinas at Japan lalo pa at isa ang Japan sa maituturing na kaibigan ng bansa, at kaisa sa hangarin ng pagsulong ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.

Kasabay nito, ipinaabot ni Gen. Brawner ang kanyang pakikisimpatya sa mga indibidwal na naapektuhan ng malakas na lindol. | ulat ni Leo Sarne

📸: CBC News

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us