Sinisi ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Modernization Act at Procurement Law bilang hadlang sa pagpapalakas ng AFP.
Sa kanyang pahayag sa Manila Overseas Press Club (MOPC) Night kagabi, tinukoy ng kalihim ang mga naturang batas bilang “flawed laws” o mga batas na hindi na angkop sa pagpapahusay ng operasyon ng Defense establishment.
Giit ni Teodoro, hindi siya papapayag na tratuhin ang DND at AFP ng mga supplier bilang isang vendee lang, kundi isang kliente, kung saan magiging mas demanding ang DND at AFP sa mga proponents o supplier.
Dito aniya ay kailangang magkaroon ng “long-term relationship” ang DND at AFP sa mga proponent, na hindi maaaring gawin sa ngayon dahil sa naturang mga batas. | ulat ni Leo Sarne