Nag-deploy ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng 400 military personnel mula sa organic at iba’t ibang sangay ng militar para tumulong sa security operations para sa Pista ng Itim na Nazareno, bukas.
Ito ang inihayag ni AFP Public Affairs Office Chief Colonel Xerxes Trinidad, kasunod ng pagtiyak ni AFP Chief General Romeo Brawner Jr. na nakatutok ang Sandatahang Lakas sa kaligtasan ng milyon milyong deboto na dadalo sa Traslacion.
Kasama sa mga dineploy ng Joint Task Force National Capital Region (JTF-NCR) sa pamamagitan ng Naval Task Group NCR ang Quick Response Forces (QRFs), Explosive and Ordinance Disposal (EOD) at K9 Teams; Communications Teams, at Overt at Covert Security Teams.
Ang mga ito ay naka pre-position na sa Nazarene Catholic School Quiapo, Manila simula pa nitong Enero 7.
Naka-standby rin ang mga medical at Search Rescue and Retrieval (SRR) teams mula sa Major Services para i-deploy kung kakailanganin. | ulat ni Leo Sarne