Nagpulong sa Camp Aguinaldo ngayong umaga ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at Philippine Coast Guard (PCG), sa Year-End 2023 National Joint Peace and Security Coordinating Center (JPSCC) Meeting.
Ang pagpupulong ay pinangunahan nina: AFP Vice Chief of Staff, Lt.Gen. Arthur Cordura PAF; AFP Deputy Chief of Staff, AFP, Lt.Gen. Charlton Sean Gaerlan PN(M); Philippine Coast Guard Officer-in-Charge, VAdm. Rolando Lizor Punzalan Jr.; at Deputy Chief PNP for Operations, PLt.Gen Michael John Dubria.
Sa mensahe ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na binasa ng Vice Chief of Staff, kanyang sinabi na ang JPSCC ay testamento ng lakas ng pagkakaisa ng AFP, PNP at PCG, sa pagtiyak ng kaligtasan at kaunlaran ng bayan.
Ang JPSCC ang responsable sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga security operation, pag-monitor ng sitwasyong pangkapayapaan, pag-coorrdinate ng mga hakbang panseguridad, “cross-training” ng mga tauhan ng kasaping organisasyon, at pag-review ng pambansang sitwasyong panseguridad. | ulat ni Leo Sarne
📷: PFC Carmelotes/PAOAFP