Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na wala silang dapat ihingi ng permiso sa pagsasagawa ng re-supply mission sa Ayungin Shoal.
Ito’y may kaugnayan sa naging pahayag ng China Coast Guard nitong weekend na papayagan na umano nito ang paghahatid ng suplay ng Pilipinas sa mga sundalong nakahimpil sa BRP Sierra Madre na nakasadsad sa naturang bahura.
Sa isang panayam sa Kampo Aguinaldo, sinabi ni AFP Spokesperson, Colonel Francel Padilla, bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas ang Ayungin Shoal kaya’t magpapatuloy ang ginagawa nilang misyon dito.
Magugunitang sa pahayag ng China Coast Guard, sinabi nito na nagkaroon ng pansamantalang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China hinggil sa paghahatid ng suplay sa mga sundalo roon. | ulat ni Jaymark Dagala