Basta’t hindi magsagawa ng mapanganib na pagkilos ang mga barko ng China, walang nakikitang masama ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagbuntot ng dalawang Chinese warship sa ongoing na joint patrol ng Pilipinas at Estados Unidos sa West Philippine Sea.
Ito ang inihayag ni AFP Public Affairs Office Chief Colonel Xerxes Trinidad, kasabay ng pagsabi na walang untoward incident na iniulat sa pagdaraos ng ikalawang Maritime Cooperative Activity (MCA) sa pagitan ng AFP at US Indo-Pacific Command (USINDOPACOM) sa West Philippine Sea.
Ayon kay Col. Trinidad, na-monitor nila na nagsasagawa din ng pagsasanay sa West Phil. Sea ang Chinese Navy na maaring nagkataon lang na sumabay sa MCA ng Pilipinas at US.
Binigyang diin ni Col. Trinidad, na ang MCA ay ginagawa sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas bilang pag-ehersisyo ng sovereign rights ng Pilipinas alinsunod sa International Law. | ulat ni Leo Sarne