Makalipas ang halos isang taon unti-unti ng nanunumbalik sa normal na pamumuhay ang mga residente sa Oriental Mindoro at Palawan na naging biktima ng oil spill noong Pebrero 2023.
Ito’y dahil sa mga agarang tulong na ipinagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Katuwang ng DSWD sa pamamahagi ng tulong ang lokal na pamahalaan ng mga nasabing lalawigan.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez , kabilang sa mga inihatid na tulong sa mga affected families ay ang immediate at long term recovery program, family food packs, emergency cash transfer, cash for work program at iba’t iba pang serbisyo sa ilalim ng Assistance in Crisis Situation (AICS) ng DSWD.
Samantala, may mga apektadong residente din mula mga munisipalidad ng Pola, Bansud, Gloria, Bongabong, Roxas, Victoria, Bulalacao, Pinamalayan, Naujan, at sa syudad ng Calapan sa Oriental Mindoro ang nabigyan naman ng cash grants sa ilalim ng Sustainable Livelihood program.| ulat ni Rey Ferrer