Nagtalaga si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ng dalawa pang bagong opisyal na makakasama sa mga repormang ipatutupad sa Department of Agriculture.
Kabilang dito si Atty. Alvin John Balagbag, isang corporate lawyer, na itinalagang bagong Chief-of-Staff ng kalihim.
Magsisilbi rin si Atty. Balagbag bilang DA Undersecretary.
Samantala, pinangalanan naman si Engr. Roger Navarro bilang undersecretary for operations.
Bukod dito, nilagdaan na rin ni Secretary Laurel ang appointment ng mga kinatawan ng technical working group tungkol sa implementing rules and regulations ng Internet Transactions Act of 2023. | ulat ni Merry Ann Bastasa