Ala-ala ng Gallant 44, mananatiling inspirasyon ng SAF para sa kanilang pagtupad sa tungkulin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang kapantay ang ginawang sakripisyo at kabayanihan ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) na nagbuwis ng kanilang buhay upang mapalaya ang bansa mula sa banta ng terorismo.

Ito ang mensahe ni Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) Director, Police Major General Bernard Banac ngayong araw na ginugunita ang naging ala-ala ng SAF-44.

Ayon kay Banac, mananatili aniyang inspirasyon ang ginawang ito ng SAF-44 sa mga Pilipino na maipapasa sa mga susunod na henerasyon.

Nagpasalamat si Banac kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. dahil sa patuloy nitong pagkilala at suporta sa hanay ng Pambansang Pulisya sa ilalim ng pamumuno ni PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr.

Dahil dito, tiniyak ni Banac na patuloy na magiging tapat ang hanay ng Pulisya sa kanilang tungkulin para sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaayusan ng bansa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us