Naitala ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa katatapos lamang na taon ang all-time flight record nito, lagpas pa sa pre-pandemic flight movements at pinakamataas sa kasaysayan ng paliparan.
Ayon NAIA, may kabuuang 279,953 na biyahe ang naitala nito, kabilang ang higit 171,000 na domestic at 108,00 international flights, o katumbas ng 26% na pag-akyat mula sa 2022 at 3% na pag-akyat mula sa 2019.
Iniulat rin ng Manila International Airport Authority (MIAA) na ang bilang ng mga pasahero ay umabot na sa 95% ng 2019 total, na may aabot sa higit 45.4 million na pasahero noong 2023.
Ipinahayag ni MIAA General Manager Eric Jose Ines ang kasiyahan sa matibay na paggalaw ng mga flight, at binibigyang-diin ang resilience ng local aviation industry at ang pagpapabuhay muli ng domestic tourism.
Binigyang diin ni Ines ang 12% na pag-akyat ng domestic flights kumpara sa 2019 at restoration ng international flight operations sa 91% na antas bago ang pandemya.
Kasabay ng pagdami ng bilang ng mga flights at pasahero ang iba’t ibang hakbang na ginagawa ng MIAA para ma-manage ang surge at ang dumadaming pasahero ng paliparan.
Kung saan nito lamang December 2023 naitala ng MIAA ang pinamaraming biyahe sa NAIA samantala noong Hulyo naman ang may pinakamaraming pasahero.| ulat ni EJ Lazaro