Inilunsad ngayong araw, Enero 22 ng Department of Social Welfare and Development ang kampanya na magbibigay parangal sa walang humpay na dedikasyon ng mga tauhan ng ahensya .
Tinawag na ‘Angels in Red Vests’ (ARV) ang kampanya na parte ng long-term vision ni DSWD Secretary Rex Gatchalian.
Ayon sa DSWD, layon nitong isulong ang kahusayan at kasipagan ng mga empleyado ng ahensya.
Sila itong buong-pusong nagbibigay ng “extralove” and “extra care” sa lahat ng mamamayan na nangangailangan ng tulong.
Ang ‘Angel Red Vest’ campaign ay sabayang inilunsad sa DSWD Central Office at sa lahat ng DSWD Field Offices sa bansa. | ulat ni Rey Ferrer
📷: DSWD