Ganap nang isang International Shrine ang Antipolo Cathedral sa ilalim ng titulo ng Our Lady of Peace of Good Voyage.
Pinangunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles John Brown ang solemn declaration na sinaksihan naman ng mga Arzobispo at Obispo ng Simbahang Katolika.
Magugunitang Hunyo ng 2022 nang i-anunsyo ng Vatican ang pag-apruba nito sa petisyong inihain ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines o CBCP para i-akyat ang Antipolo Cathedral bilang International Shrine.
Marso a-25 naman ng nakalipas na taon nang matanggap ng pamunuan ng Katedral ang dikreto mula kay Pope Francis kaya’t naging epektibo na ang pagtawag dito sa naturang titulo.
Dahil dito, ang Antipolo Cathedral ang kauna-unahang International Shrien sa Timog-Silangang Asya at ika-labing isa naman sa buong mundo.
Kaya naman, dagsa ang mga debotong sumaksi sa pagdiriwang kaya’t kinailangang magpatupad ng traffic re-routing ang Antipolo LGU upang maiwasang maabala ang mga motorista. | ulat ni Jaymark Dagala
📸: Diocese of Antipolo