Antipolo Cathedral, pormal nang ipoproklama bilang International Shrine ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal nang ipoproklama ngayong araw ang Antipolo Cathedral bilang International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage.

Pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles John Brown ang isang Misa Pontifical ganap na alas-9 ng umaga kasama ang mga Arzobispo at Obispo ng Simbahang Katolika sa Pilipinas.

Bagaman kinilala na ng Vatican ang nasabing Simbahan bilang International Shrine na siyang kauna-unahan sa Asya noong isang taon, ngayong araw ito ganap na pasisinayaan sa pamamagitan ng pagbabasa ng dikreto mula kay Pope Francis.

July 16, 2021 nang maghain ng petisyon ang Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) sa Santo Papa para iendorso ang pagtataas sa Katedral bilang International Shrine. Inabot ito ng dalawang taon bago naaprubahan.

Kilala ang Simbahan ng Antipolo bilang pilgrimage site partikular na ng mga Overseas Filipino Worker (OFWs) gayundin ng mga Pinoy seafarer para hilingin sa Diyos ang gabay para sa mabuting paglalakbay. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us