Apat na “bust-bus” ang i-dedeploy ng Cebu City Police Office sa mga lugar na maraming tao sa darating na Sinulog Festival 2024 .
Ayon kay Police Lt. Col. Janette Rafter, Deputy City Director for Operations at tagapagsalita ng CCPO na ang nasabing mga bust-bus ay siyang paglalagyan ng mga taong sanhi ng gulo at mahuhuling lalabag sa batas.
Ang mga bus ay ilalagay sa Fuente Osmeña, Mango Avenue, Plaza Independencia at South Road Properties.
Bawat bus ay may naka-assign na pulis upang hindi na kailangang pumunta sa mga police stations ang mga magrereklamo at ang mga mahuhuli.
Binigyang diin rin ni Lt. Col. Rafter na sasampahan nila ng kaso ang lahat ng mga gagawa ng gulo lalo na ang mga maglalasing.
Napag-alaman na una nang sinabi ni Cebu City Mayor Michael Rama na ipagbabawal nito ang pagsasagawa ng street party sa araw mismo ng Sinulog Festival sa darating na Linggo, Enero 21 upang maiwasan ang mga kaguluhan na sanhi ng kalasingan. | ulat ni Angelie Tajapal | RP1 Cebu
Photos: CCPO Police Station 2