Pinakansela na ng Land Transportation Office (LTO) ang pagtanggap ng donasyon na apat na milyong plastic cards na para sana sa driver’s license.
Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza, kanila na lamang ipauubaya ito sa Department of Transportation (DOTr).
Kailangan aniyang bumalangkas muna ng guidelines bago tanggapin ang donasyong plastic cards.
Nais ni Mendoza na makasiguro na walang masasabi ang publiko bago tanggapin ang donasyon.
Sa sandaling makabuo na ng guidelines ang DOTr, kailangan pa itong ilatag sa donor kung papayag ito sa mga posibleng kondisyon.
Una nang inihayag noon ni Mendoza, na magdo-donate ng plastic cards para sa driver’s license ang accredited clinic ng LTO na Philippine Society of Medicine for Drivers.
Matatandaan na pinatigil ng korte noon ang pag imprenta ng lisensya ng LTO matapos kwestyunin ang nanalong bidder para magsuplay ng plastic cards. | ulat ni Rey Ferrer