Bilang bahagi ng patuloy na suporta sa pamahalaan, nagbigay ang gobyerno ng Australia ng karagdagang kagamitan sa Office for Transportation Security (OTS) upang mapaigting ang aviation security sa bansa.
Personal na itinurn-over ni Australian Ambassador to the Philippines HK Yu ang limang laptops na may X-Ray Tutor 4 training software kay OTS Officer-In-Charge Assistant Secretary Briones.
Ayon kay Ambassador Yu, mahalaga ang pagtutulungan ng Australia at Pilipinas upang maisulong ang aviation security.
Aniya, ang naturang software ay makatutulong na ma-detect ng mga banta sa seguridad sa mga paliparan sa bansa.
Sinabi naman ng Australian Embassy na ang pagbibigay ng naturang mga kagamitan ay nagpapakita ng commitment ng dalawang bansa na palakasin ang infrastructure security gaya sa mga paliparan na nakapaloob sa Philippine-Australia Joint Declaration on Strategic Partnership.| ulat ni Diane Lear