Inilatag ng bagong talagang Finance Sec. Ralph Recto ang mga pangunahing estratehiya nito na naglalayong mapabilis ang pagsulong ng inclusive growth sa bansa.
Binigyang-diin ni Recto ang kanyang plano na palakasin pa ang matatag na economic fundamentals, ipagpatuloy ang mga reporma, at protektahan ang mga mamimili mula sa epekto ng mataas na presyo.
Tinalakay ng bagong Department of Finance (DOF) Chief ang mga mahahalagang reportma, kabilang ang pagbabago sa mga batas kaugnay ng kalakalan at pamumuhunan, ang Public-Private Partnership Code, at ang Maharlika Investment Fund.
Iginiit din ni Recto ang suporta para sa mahahalagang reporma sa buwis at ipinaliwanag ang pangangailan ng fiscal discipline kabilang ang plano para sa transparent na debt management strategy.
Binanggit din niya ang mga kontribusyon ni outgoing Secretary Benjamin Diokno at ang “sterling performance” umano nito.
Dala ni Sec. Recto ang kanyang malawak na karanasan sa pulitika sa kanyang bagong tungkulin, na noon ay nagsilbing Senador, Deputy Speaker, at nanguna sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno. | ulat ni EJ Lazaro