Aminado ni Finance Secretary Ralph Recto na maituturing niyang isang karangalan at hamon na sundan ang nasimulan ni dating Finance Secretary at ngayon ay Monetary Board Member Benjamin Diokno.
Aniya ang mga nagawa ni Diokno sa bansa ay kapuri-puri at kumpiyansa siyang ipagpapatuloy pa nito ang pag-ambag upang maiangat ang kapakanan ng bansa.
Positibo si Recto na sa pamamagitan ng mga mahuhusay na kawani at opisyales ng DOF at mga attached agencies nito ay kayang maabot ang hangarin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paglago ng Pilipinas.
Sa kanyang pagharap sa mga empleyado ng DOF, sinabi niya na nakatitiyak siyang hindi sila nag-iisa sa bago nitong trabaho dahil kasama nila ang magagaling na indibidwal ng DOF.
Diin ng kalihim, gagamitin niya ang karunungan ng mga nauna sa kanya.
Umaasa si Recto ng suporta at pagtutulungan ng lahat habang sama-samang naghahatid ng magandang ekonomiya na ikabubuti ng bawat isang Pilipino.
Nakatakda din makipagpulong ni Recto sa mga head ng DOF attached agencies at bureaus ngayong linggo. | ulat ni Melany Valdoz Reyes