Hinihikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga Pilipino na tuparin ang kanilang New Year’s resolution, lalo’t mahalaga ito sa isang Bagong Pilipinas na isinusulong ng pamahalaan.
Ayon sa Pangulo, maraming Pilipino ang nais ng self -improvement, o pagpapabuti ng sarili.
Katunayan, maging siya, bahagi ng New Year’s resolution ay magkaroon ng mas maraming oras sa pamilya, panatilihin ang magandang kalusugan at health diet, at regular na mag-ehersisyo.
“Pero siyempre, nangingibabaw sa ating New Year’s resolution ang mga mithiin natin sa bayan dahil marami pang kailangang gawin, marami pang kailangan pagandahin, at marami pang kailangan ayusin para naman tuluy-tuloy ang pagsulong natin tungo sa isang Bagong Pilipinas,” —Pangulong Marcos.
Magandang bahagi aniya sa landas na tatahakin tungo sa Bagong Pilipinas ay ang community involvement.
“Unang-una, isang magandang bahagi sa landas natin tungo sa Bagong Pilipinas ay ang individual and community involvement – ang pakikilahok ng taongbayan; ang pakikilahok ng bawat isa; ang bawat barangay, pamilya o indibidwal ay tinatawag na maging bahagi ng pagbabago. Lahat naman ay may magagawa, lahat naman ay may maiaambag, lahat at kabilang, he added.” —Pangulong Marcos.
Maaari aniyang isakatuparan ito sa pamamagitan ng pagiging mas productive sa trabaho, pagiging wais sa paggastos, pagbabasa ng libro, pagkatuto ng bagong teknolohiya, personal grooming, self-discipline, at pagiging mabuting mamamayan at miyembro ng pamilya.
Paliwanag ng Pangulo, maaabot ng bansa ang isang Bagong Pilipinas, kung lahat ay aabutin rin ang kanilang New Year’s resolution, at magiging isang Bagong Pilipino.
“Ang mga pangako natin sa ating sarili patungkol sa disiplina o maging sa pagpahusay ng ating abilidad o ‘yung mga self-imporvement na tinatawag, lahat ‘yan ay may maitutulong sa ating bayan. Sa sama-samang pagkilos na ito, may dalang kaginhawaan na ramdam sa buong bansa,” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan