Nagpahayag ng suporta ang Department of Health Bicol sa inilunsad na Bagong Pilipinas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kahapon sa Quirino Grandstand sa Maynila.
Sinusuportahan ng DOH Bicol ang komprehensibong pagbabago sa pamumuno at pamamahala sa pamamagitan ng aktibong pakikipag-ugnayan at pagpapatibay ng lipunan sa pagsasakatuparan ng mga layunin at mithiin ng bawat Pilipino mula sa iba’t ibang antas ng pamumuhay.
Matatandaan na nakibahagi rin ang departamento sa paglulunsad ng Bagong Pilipinas Serbisyo fair sa Bicol Region sa pamamagitan ng LabForAll medical drive nito kung saan 8,499 indibidwal ang nakinabang noong Setyembre 23-24, 2023.
May kabuuang 320 health service providers mula sa DOH Bicol CHD at partner health facilities sa pangunguna ni Undersecretary Dr. Nestor F. Santiago, Jr. at 171 student-volunteers ang pinagsama-sama upang palawigin ang mga de-kalidad na serbisyong pangkalusugan at adbokasiya sa mga Bicolano. | ulat ni Garry Carl Carillo | RP1 Albay
📷DOH Bicol