Dumating na sa bansa ang mga bagong spare parts para sa MRT-3.
Ayon sa pamunuan ng tren, agad na ininspeksyon na rin ng mga technical personnel ng MRT-3 ang bagong dating na spare parts ngayong unang linggo ng Enero.
Kasama rito ang mga air conditioning parts, wheels and gearboxes, at electronic parts ng mga tren.
Layon ng inspeksyon na tiyaking nasa tamang bilang at maayos na kalidad ang bawat piyesa upang masiguro ang ligtas at komportableng biyahe ng mga pasahero.
Una nang ipinagmalaki ng MRT-3 na umabot sa higit sa 129-milyon ang bilang ng mga pasaherong sumakay sa tren noong 2023, na mas mataas ng 30% kung ikukumpara sa kabuuang ridership noong 2022. | ulat ni Merry Ann Bastasa