Pansamantalang isasara sa mga motorista ang NLEX Harbor Link R10 Ramp at ang NLEX Connector upang bigyang daan ang Safety Enhancement Works.
Sa abiso ng NLEX Corporation, ang pagsasara ay gagawin sa Enero 18 ng alas-10:00 ng gabi hanggang ala-1:00 ng madaling araw ng Enero 19.
Ang NLEX Harbor Link ramp R10 ramp ay papuntang Mindanao Avenue at NLEX Northbound na papuntang Valenzuela, Bulacan at Pampanga.
Lahat ng motorista na papuntang Mindanao Avenue o sa NLEX Northbound mula sa R10 ay pinapayuhang dumaan muna sa C3 road at pumasok sa NLEX Harbor Link C3 Entry Ramp.
Ang mga papunta sa NLEX Connector ay maaaring dumaan sa C3 Road at pumasok s NLEX Connector C 3 Entry Ramp.
Para sa maayos na daloy ng trapiko,magtatalaga ang pamunuan ng NLEX Corporation ng patrol crews,at marshalls sa strategic areas bukod pa sa mga ilalagay na directional signs. | ulat ni Rey Ferrer