Tiniyak ng City Agriculture Office sa lungsod ng Batac na hindi napapabayaan ang mga Fisherfolks sa nasabing lugar bagamat malapit na ang buwan ng Marso na siyang pinakaramdam ang epekto ng El Niño.
Ayon kay City agriculturist Mark Abad, namigay ang LGU ng nasa 850kg ng tilapia fingerlings sa 170 fisherfolks habang 50 fisherfolks naman ang tumanggap ng 10,320 ng “Paltat” o Catfish Fingerlings.
Dahil malapit na ang summer, ang mga nasabing fingerlings ay aalagaan na lamang ng dalawang buwan bago maibenta sa Merkado.
Sa kabilang dako, nagpakawala naman ang lokal na pamahalaan sa anim na small impounding projects ng nasa 200,000 piraso ng tilapia fingerlings ken 6,000 piraso ng karpa.
Kabilang dito ang mga small water impounding project sa Brgy. Dariwdiw, Nagbacalan, Baoa East, Mabaleng, Magnuang, Pimentel at Quiaoit River.
Layon ng nasabing programa na dagdagan ang populasyon ng isda sa mga nasabing katubigan upang may mapagkunan ng makakain sa mga susunod na buwan.
Napagalaman na ang mga pinakawalang fingerlings sa nasabing proyekto ay galing sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources. | ulat ni Jude Pitpitan | RP1 Laoag