Manunumpa sa kanyang bagong tungkulin si Batangas Representative Ralph Recto bilang bagong miyembro ng gabinete ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Kasunod ito ng pagkakatalaga kay Recto ng Punong Ehekutibo bilang bagong kalihim sa Finance Department kapalit ni Secretary Benjamin Diokno.
Una nang kinumpirma ni Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil ang pagkakatalaga kay Recto bilang bagong Finance chief.
Gagawin ang panunumpa sa Malacañang na kung saan ay kasabay ding manunumpa ni Recto sa harap ng Pangulong Marcos Jr. si
Frederick Go bilang Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs.
Sa ngayon ay hindi pa batid sa kabilang banda kung anong posisyon at saang departamento maitatalaga si Diokno. | ulat ni Alvin Baltazar