Nasa 94 ang mga miyembro ng Lakas-CMD sa Kamara.
Kasunod ito ng panunumpa nina Iloilo 1st district Rep. Janette Garin, at La Union 2nd district Rep. Dante Garcia bilang bagong miyembro ng partido.
Mismong si Lakas-CMD President at House Speaker Martin Romualdez ang nanguna sa oathtaking ng dalawang mambabatas.
Sinaksihan naman ito nina House Majority Leader Manuel Jose Dalipe at Pampanga Rep. Gloria Arroyo.
Si Garin ay mula sa National Unity Party o NUP, habang si Garcia ay galing naman sa People’s Reform Party o PRP. | ulat ni Kathleen Forbes