Bilang ng baybaying positibo sa red tide, tumaas — BFAR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nadagdagan pa ang mga sakop na karagatang kontaminado ng red tide toxin.

Batay sa ulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), apektado na rin ng paralytic shellfish poison ang karagatan ng Milagros sa Masbate, San Pedro Bay sa Samar at Matarinao Bay sa Eastern Samar.

Una nang inalerto ng BFAR ang publiko na positibo sa red tide ang baybayin ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; at Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, Lianga Bay sa Surigao del Sur; at coastal waters ng San Benito sa Surigao del Norte.

Dahil dito, pinag-iingat ang publiko sa pagkain ng shellfish na nakukuha sa mga naturang katubigan, dahil mapanganib ito sa kalusugan.

Paalala ng BFAR, ligtas naman kumain ng mga isda, pusit, hipon, at alimangong huli o nagmula sa nasabing karagatan, basta mahugasan at maluluto itong mabuti. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us