Kinumpima ng Department of Tourism (DOT) na umabot na sa higit 100 cruise ship ang bumisita sa mga isla ng Pilipinas sa nakalipas na taong 2023.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, ang mga cruise ship na ito ay dumaong sa mga cruise stop sa mga isla ng Buhawan, Cebu, Boracay, at 30 discovered island destination sa bansa.
Ayon kay Frasco, layon ng DOT na magkaroon ng expansion cruise ship portfolio ang Pilipinas dahil higit 7,641 na mga isla sa bansa at marami pang isla ang maaring ma-discover ng mga turista.
Ikinatuwa naman ni Frasco na naging convergence ang effort ng DOT kasama ang local government agencies at pakikipag-partner sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa reconstruction sa Tourism road infrastructure project.
Dagdag pa ng kalihim may nakalaan na higit ₱15-billion budget para maipagpapatuloy ang mga Tourism road project ngayong 2024. | ulat ni AJ Ignacio