Tumaas na sa 16 ang patay sa epekto ng shear line sa Davao Region, ito’y base sa progress report ng Office of the Civil Defense-11 (OCD-11) as of 10:00 a.m. ng Enero 22, 2024.
Base sa datos ng inilabas ng OCD-11 ngayong hapon, ang panibagong dalawa ay mula sa Mati City, Davao Oriental at bayan ng Don Marcelino, Davao Occidental.
Ayon kay OCD 11 Information Officer Karlo Alexei Puerto na namatay ang biktima sa Mati City dahil sa landslide habang asphyxia naman sa Don Marcelino dahil sa pagkalunod.
Mula sa nasabing bilang, 12 ang natalang patay mula sa probinsya ng Davao De Oro habang dalawa naman sa Davao City.
Ayon kay Puerto na patuloy pa rin ang kanilang validation sa mga isinusumite na mga datos mula sa mga Local Disaster Risk Reduction and Management Offices. | ulat ni Armando Fenequito | RP1 Davao