Itinaas ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang VAT Exemption sa mga bahay at lupa at iba pang residential dwellings.
Nakapaloob ito sa inaprubahang Revenue Regulation No. 01-2024 ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr.
Sa ilalim nito, mula ₱3.2-million ay magiging ₱3.6-million na ang VAT exemption sa mga ‘for sale’ na house and lot at iba pang uri ng tirahan.
Ayon kay BIR Commissioner Lumagui, ang pagtaas ng VAT exemption ay patunay ng dedikasyon ng ahensya na makapagbigay ng mas mabuting serbisyo upang tulungan ang taxpayers sa kanilang mga tax obligations. | ulat ni Merry Ann Bastasa