Pansamantalang naantala ang pagbubukas ng Light Rail Transit (LRT) line 2 ngayong umaga.
Ito’y batay sa abiso ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ay bunsod ng aberya sa suplay ng kuryente.
Gayunman, tiniyak ng pamunuan ng LRTA na kanilang isinasaayos na ang problema upang agad maibalik sa normal ang kanilang operasyon.
Nagresulta naman ito sa pagkakaipon ng mga nai-stranded na pasahero sa bahagi ng Santolan Station sa Pasig City.
Bumibiyahe ang LRT line 2 mula sa Recto Station sa Maynila patungong Masinag Station sa Antipolo City at pabalik. | ulat ni Jaymark Dagala