Hinikayat ng isang party-list solon ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na gamitin ang dagdag pondo nito ngayong taon para palakasin pa ang kanilang reintegration program para sa mga person deprived of liberty (PDL).
Tinukoy ni Bicol Saro Party-list Rep. Brian Yamsuan na tumaas ng P1.54 billion ang budget ng BJMP ngayong taon, na ngayon ay nagkakahalaga ng P23.87 billion.
Sa halagang ito, nasa P20 billion ang nakalaan para sa custody, safekeeping at rehabilitation ng mga PDL sa kanilang pangangalaga.
Una nang sinabi ni Yamsuan, na mahalaga ang reintegration programs gaya ng trabaho at pagkakakitaan upang maging produktibo ang mga PDL oras na bumalik sa lipunan, at maiwasang maging repeat offenders.
Sa paraan din aniyang ito ay mapapababa ng recidivism rate na makatutulong din na mapababa ang overcrowding o congestion sa mga piitan.
“We urge the BJMP to utilize a significant portion of this P20.26 billion allocation for programs focusing on the reintegration of PDLs into the mainstream of society. Providing targeted, appropriate interventions to PDLs while they are in the custody of the BJMP will help prevent them from becoming recidivists or repeat offenders. In turn, lowering the rate of recidivism will help ease overcrowding in BJMP jails,” sabi ni Yamsuan. | ulat ni Kathleen Forbes